Kabanata 20
Kabanata 20
Hindi alam ni Madeline ang kanyang gagawin ng maalala ang kanyang kalagayan.
Lahat ng babae ay gusto na ipresenta ang kanilang sarili na maayos sa lalaking kanilang
pinakamamahal.
“Sinong nagsabi na pwede kang pumasok?” Sabi ni Jeremy pagkatapos humarang sa pinto.
Tinignan siya ni Madeline at sinabi, “Dito ako nakatira, ito ang bahay ko.”
“Bahay mo?” Sabay tawa ni Jeremy. “Sa tingin mo may karapatan ka na sabihin na pamamahay mo
‘to?”
Nawala ang mga kislap sa mata ni Madeline. Parang sinaksak ng basag na salamin ang puso ni
Madeline dahil sa mga sinabi ni Jeremy.
“Kung hindi lang dahil mabait si Mer, malamang nabulok ka na sa bilanguan.” Kitang kita ang
pagmamahal ni Jeremy kay Meredith sa kanyang mga sinabi.
Napangisi si Madeline. “Oo, kung hindi dahil sa kanya, malamang hindi ako hahantong sa ganong
lugar.”
Kita na nagalit si Jeremy sa kanyang mga sinabi. “Pagkatapos ang mga nangyari, may lakas ka pa ng
loob na sumagot?”
“Hindi ko ginawa ‘yun Jeremy! Nagsasabi ako ng totoo!” Naglakas loob at taas-noo niyang binigyan ng
diin ang kanyang sinabi.
Gayunpaman, hindi natinang ang napakagwapong si Jeremy. Tinignan niya si Madeline at sinabii, “So
ayaw mo talaga huh? Sige, lumuhod ka doon. Maniniwala ako sayo kapag nanatili kang nakaluhod
hanggang sa tumigil ang ulan.”
Nabigla si Madeline, at agad nyang hinawakan ang kanyang tiyan.
“Ayaw mong maniwala ako sa’yo? Bakit nakatayo ka padin dyan?” Masungit na sagot ni Jeremy.
Nakatayo si Madeline sa ulan at tinaas ang kanyang mga matang puno ng luha sa lalaking lubos na
nagmalasakit sa kanya sa kanyang alaala. “Jeremy, meron akong...”
“Jeremy, nagugutom na ako.”
Bago pa makatapos magsalitia si Madeline, narinig ang boses ni Meredith mula sa loob ng bahay.
Nandito pala si Meredith. NôvelDrama.Org: text © owner.
Matinding sakit ang nagsimulang kumalat sa buong katawan ni Madeline. Nanikip ang kanyang dibdib
na para bang nahuhulog siya sa isang walang katapusang kadiliman.
Tumingin si Jeremy kay Madeline. “Dito mananatili si Maredith ngayong gabi. Kung gusto mong
pumasok sa bahay na ‘to. Kailangan mo manatiling nakaluhod hanggang sa gusto ko.”
Pagkatapos niya sabihin iyon. Sinara niya ng malakas ang pinto at walang-awang tumalikod.
Ramdam ni Madeline ang malamig na ulan sa kanyang katawan. Kasabay nito, nanlamig din ang
kanyang puso kasabay ng paglamig ng kanyang katawan.
Nagsimula ng dumilim ang kalangitan, at nakita ni Madeline na bumukas ang ilaw sa master bedroom.
Dalawang anino ang makikita sa kurtina, at napakasakit sa mata na makita ito.
‘Jeremy, paniniwalaan mo ba ‘talaga ako?”
‘Pagkatapos ng lahat, hindi parin ako maikukumpara kay Meredith kapag nakatabi sayo sa kama...’
Pagkatapos ng gabing iyon, habang hilong-hilo si Madeline, sinalubong siya ni Meredith habang
nakangisi.
“Hindi ko inakala na mananatili kang nakaluhod buong gabi para lang makuha ang atensyon ni
Jeremy.”
Masiglang masigla pa si Meredith. Tila mapalad na walang nangyari sa batang kanyang dinadala kahit
na nahulog siya sa hagdanan.
“Kung gusto mo talagang lumuhod, edi manatili kang nakaluhod!”
Sabay tawa ng malakas bago tumalikod.
Nanunuyo na ang bibig ni Madeline. Masama ang kanyang pakiramdam, kaya wala na siyang lakas na
makipagtalo pa kay Meredith.
Pagkatapos manatili sa iisang posisyon buong gabi, hindi na maramdaman ni Madeline ang kanyang
mga kamay at paa. Sinubukan niyang tumay upang pumasok sa loob ng bahay. Ngunit bago pa siya
makapaglakad, dumating si Jeremy sa harapan niya.
Nakabaluktot na ang tuhod ni Meredith dahil sa matinding kapaguran. Sinubukan niyang hawan ang
kwelyo ng damit ni Jeremy. Namumutla na ang kanyang mga labi at nagmakaawa, “Parang awa mo na
Jeremy, maniwala ka sakin. Hindi ko talaga tinulak si Meredith...”
Nginisian lang siya ni Jeremy. “Bakit ako maniniwala sa isang masama at walang pusong babae na
katulad mo?” Sagot ni Jeremy at pagkatapos ay itinulak niya palayo si Madeline.
Matinding sakit ang naramdaman ni Madeline sa kanyang ulo habang nakahandusay sa sahig; hindi
niya magawang makatayo dahil sa matinding sakit na kanyang nararamdaman, at nagsimula siyang
pagpawisan ng todo.
Nang maisip niya ang bata na kanyang dinadala, ginamit ni Madeline ang buong lakas na makakaya
niya upang hawakan ang pantalon ni Jeremy. “Jeremy, sumasakit ang tyan ko. Dalhin mo ako sa
ospital.”
Ngunit tinignan lang siya ni Jeremy na may halong pandidiri. “Ang galing mo talaga umarte Madeline.”
“Hindi Jeremy...Hindi ako... sobrang sakit na Jeremy...” Mahinang ginalaw ni Madeline ang kanyang
mga labi. Naramdaman niya na nagsisimulan na siya mawalan ng malay. Hinawak niya ang pantalon ni
Jeremy. “Kahit na malaki ang galit mo sakin o kahit na kinamumuhian mo ako, ikaw ang tatay ng
dinadala ko...”
“Hmph.” Sabay ngisi ni Jeremy. Kita ang pagkutya sa kanyang mga mata. “Dinadala? Talagang ang
galing mo gumawa ng storya Madeline! Lumayas ka sa harapan ko!”
Sinipa siya ni Jeremy ang mga kamay niya na nakawak sa pantalon. Pagkatapos masipa, napatawa
nalang si Madeline. Tumingala siya upang tignan ang lalaking nasa kanyang harapan. Tumulo ang
mga luha mula sa kanyang mga mata habang may matinding sakit sa kanyang puso. “12 years sa
nakaraan, isang batang lalaki ang nagsabi sakin, “Linnie, poprotektahan at mamahalin kita
habangbuhay. Hindi kita hahayaan na masaktan...” Kasinungalingan lang pala lahat ng ‘yon... Sa loob
ng labingdalawang taon, nahihibang lang pala ako... Hindi na ikaw yung Jez na naalala ko,”
Ano?
Halos mapatigil sa pagtibok ang puso ni Jeremy. Agad niyang naalala ang pinakaiingatan niyang
memorya na hinding hindi niya malilimutan.
Nakilala niya ang isang batang babae na nagngangalang Linnie sa isang dagat ng taon na iyon.
Napakainosente at wala pang muwang ang batang babae. Makulit at maganda. Halos mahulog na ang
kanyang kalooban ng masilayan niya ang batang babae.
Sa mga magagandang alaala na iyon, lagi siyang sinusundan ng batang babaeng iyon at malambing
siyang tinatawag na Jez.
Nangako siya sa batang babae na mananatili sa tabi niya habangbuhay at papakasalan siya.
Pagkatapos niya malaman na Meredith ang pangalan ng batang babae, nagpasya si Jeremy na
magiging mabuti sa babaeng nagngangalang Meredith habangbuhay. Paparusahan niya ang lahat ng
sasaktan si Meredith!
Ngunit bakit biglang sinasabi sa kanya ni Madeline ang pangako na kanyang ginawa noong bata pa
siya?
Pakiramdam ni Jeremy ay sasabog ang kanyang dibdib. Lumuhod siya at hinawakan ang balikat ni
Madeline. “Anong sinabi mo?”