As Long As My Heart Beats

Chapter 12



Chapter 12

“AT LONG LAST, the king has arrived.” Kaagad na naningkit ang mga mata ni Brett nang madatnan

niyang prenteng nakaupo sa sofa sa loob ng kanyang opisina si Andrei. Kagagaling niya lang sa

meeting kasama ng mga tinipon niyang manager ng lahat ng branch ng Buddies’.

He was physically and emotionally drained. And to see Andrei’s grin was the last awful thing on his

mind right at that moment.

“Pinapasok na ako ni Chef Luis. He told me that you’d be glad to see me. And seeing the rage in your

eyes right now, I could say that he was right.”

Naupo na siya sa kanyang swivel chair. “Bukod sa manira ng araw ng ibang tao, ano pa ba’ng talento

mo?”

Alam niyang dapat ay magpasalamat siya kay Andrei dahil tinulungan nito ang ama ni Katerina na

mahanap ang girlfriend niya pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling maging sarcastic. Lalo na

ngayong nakikita niya ang paghahamon sa mga mata ng lalaki at ang pagngisi nito. Bukod doon, alam

niyang may pagtingin rin ito kay Katerina. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito noong mismong araw

na sinundo nito ang dalaga sa apartment papuntang Infanta.

Unless Katerina comes back and claim that she still loves Brett, this man in front of him will remain his

rival.

“Stop grinning and get straight to the damn point, Benett.”

“Hindi ako eksperto sa pagmamahal, Santillan. But I know enough to say that one shouldn’t give up on

love… unless of course, he already feels like he’s on the losing team.” Pumalatak ito. “Are you on the

losing team, Santillan?”

Nagtagis ang mga bagang niya. “Save your preach, Benett. I don’t need a lesson for losers 101.”

“Sabagay, sa dami nang pinagdaanan mo, sigurado namang natuto ka na kahit paano.” Nagkibit-

balikat ito pagkatapos ay nakipagtagisan ng tingin sa kanya. “I like Katerina. And I want to fight for my

feelings. In fact, nakahanda na ang passport ko. My flight to California was set tomorrow night at eight.”

Natigilan siya. “Kaya mamili ka. Either you will follow her or I will, Santillan. And when I do, I swear, I

will try my damnest to make her fall for me. After all, kami naman talaga ang para sa isa’t isa.”

Mataman siyang napatitig sa lalaki. For the first time, he was able to see the wounds that Andrei has

been trying to conceal for quite some time, kaya bahagyang nabawasan ang bigat na nararamdaman

niya para rito. At the end of the day, pareho lang silang nagmamahal kay Katerina. Pareho lang sila

nitong umaasa kahit na walang kasiguruhan.

Napasulyap si Brett sa kanyang wristwatch. Alam niyang sa mga sandaling iyon ay naghihintay na sa

kanya sa kotse si Luis sa labas. Ito ang nag-volunteer na ihatid siya pagkatapos ng meeting niya.

“Ahead pala ako ng isang araw sa ’yo kung gano’n.”

Tumayo na siya at hinila ang maleta niya na nakalagay sa ilalim ng mahogany table na iniregalo ng

mga staff niya sa kanya noong nakaraang araw. “I guess, I’ll just see you there, Detective.”

Sandaling gulat na nakatitig lang sa kanya ang lalaki bago mayamaya ay mapait na napangiti.

“Katerina’s probably the sweetest little thing I’ve ever met. Be a man worthy for her love, Santillan.”

Sinabi nito bago tumayo na rin at inilahad ang palad sa kanya na tinanggap niya. “Best of luck, man.”

Pormal na ngumiti si Brett bago lumabas na ng kanyang opisina. Habang nasa biyahe sila ng kaibigan

na maghahatid sa kanya sa airport ay napahugot siya nang isang malalim na hininga. Wala pa ring

kasiguruhan ang pagsunod niya sa babaeng pinakamamahal. Pero sa loob ng limang araw mula nang

umalis si Katerina, may isang bagay siyang na-realize.

Ang pagmamahal pala ay parang paglalaro lang ng basketball. A man couldn’t quit just because he

was tired. Before he could rest, he needed to wait until the game was over with a burning hope in his

heart that at the end of the game, he would be able to get the winning shot.

I’m sorry, Kate. Hindi ko tinupad ang sinabi ko sa ’yo. I know I should wait but heck, I can’t.

Three months later…

San Francisco, California

MATAMIS na ngumiti si Katerina habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Nasa dalampasigan

siya nang mga sandaling iyon na fifteen minutes ang layo kung gagamitin niya ang kanyang bisikleta

mula sa tinutuluyan niyang bahay ng kanyang lola sa side ng kanyang ama.

Hindi na nakasama sa kanya ang ama sa pagpasyal dahil abala ito sa pagtulong sa paghahanda para

sa farewell party nila dahil bukas ay nakatakda na silang bumalik ng kanyang ama sa Pilipinas.

Hinayaan ni Katerina ang mga paang mabasa ng para bang naglalambing na alon. Ibinukas niya ang

mga braso at sinalubong ang mabining hangin. Habang isinasayaw-sayaw niyon ang buhok niya ay

hinayaan niya ang sariling malunod sa ganda nang pagsikat ng araw. Hope filled her chest once more.

She was right. Tanging ang panahon lang ang makakapaghilom sa pusong sugatan. Sa nakalipas na

tatlong buwan ay nagawa niyang hanapin ang sarili. Her relatives were enthusiastic. Halos hindi

magkamayaw ang mga ito sa kagustuhang makilala siya at ilapit ang loob sa kanya. And her father

was a wonderful man. Binusog siya nito ng pagmamahal at ng kwento ng pagmamahalan nito at ng

kanyang ina. He told her stories about how her brothers made his head ached when they were still

alive. Napangiti siya sa naisip bago pumikit.

“Bukas mo na ba talaga gustong bumalik? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Naalala niyang tanong

ng kanyang ama bago siya nagtungo sa dalampasigan noong araw na iyon. “Kung hindi ka pa handa,

pwede naman tayong mag-stay pa rito, anak.”

“Sigurado na po ako. I’m coming back to my hope, Dad. Ayoko nang patagalin pa ang paghihintay niya.

Ayoko na rin pong mahiwalay pa sa puso ko, Daddy. Mahirap pala.”

Natawa ito. “Fine. Stop with those mushy lines already. You’re just making me miss your mother all the

more.”

Tinaasan niya ng kilay ang ama. “Bakit kasi hindi n’yo subukang makipag-date ulit, Dad? Gwapo ka pa

rin naman. I’m sure, Mommy will understand.” Nang mamula ang mga pisngi nito, siya naman ang

natawa.

Nang maramdaman ni Katerina ang pag-vibrate ng kanyang cell phone sa bulsa ng shorts niya ay

tinungo niya na ang kanyang bisikleta at tumalikod na sa dagat. Hindi niya man tingnan ang screen,

alam niyang sa ama nagmula ang text message para ipaalala sa kanyang bumalik na at sabay silang

mag-almusal.

Kumunot ang noo ni Katerina nang makita ang lalaking nakatalikod rin sa direksiyon niya, ilang dipa

ang layo sa kanya, hawak rin nito ang bisikleta nito.

Kumabog ang kanyang dibdib. Ang taas nito, ang pangangatawan, ang kulay, ang buhok at ang paraan

nito ng pagdadala sa sarili ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Could it be… him?

Mabilis na hinila niya ang bisikleta palapit rito. “Brett? Is that you?”

“Damn it! Bakit kasi ngayon pa nagloko ang bisikletang ito?” Narinig ni Katerina ang marahas na

pagbulong ng lalaki bago humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. It was really her… Brett.

Pagdududahan niya pa sana ang nakikita kung hindi niya lang narinig ang pamilyar na boses nito.

Nahaplos ng binata ang buhok. “Hello again, Kate. I wasn’t really planning to get caught, I swear.

Masaya na akong nakikita ka mula sa malayo. Sadyang nagkaproblema lang ang gulong ng bike na ito

kaya-“

Napasinghap siya at inignora ang iba pang mga sinabi ni Brett. “Ibig sabihin… sinusundan mo ako

kaya ka nandito?”

“What can I do? I’ve fallen in love with a supermodel. But don’t get me wrong.” Mabilis na

pagpapaliwanag ng binata. “I trust you. It’s just that… oh, heck.” Marahas na napabuga ito ng hangin.

“Masyado kang maganda para ngumanga lang ako sa Pilipinas at hayaan ka ritong lapitan ng iba. At

masyado kitang mahal para hindi makita nang matagal. I’m sorry. I know this isn’t what you want but I

just had to follow you here or else, I’d go crazy.”

“KUNG HINDI ka pa handang kausapin ako, okay lang naman sa akin, Kate.” Mahinang sinabi ni Brett

kay Katerina. “Nandito lang naman ako, magpapatambay-tambay lang sa buhay mo. Hindi naman ako

humihingi nang kahit na ano. I… I just need to be next to you. Because I can only feel my heart alive

when I’m near you.”

Kitang-kita ni Katerina ang pangungulila at pagmamahal sa mga mata ng binata habang nakatitig sa

kanya, mga bagay na ramdam na ramdam niya sa puso niya nang mga sandaling iyon. God, how she

missed this impossible man.

“Just… just go back to whatever it is you’re doing. Isipin mo na lang na hindi tayo nagkita ngayon. You

can keep enjoying. Don’t mind me.” Ngumiti si Brett pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Hindi

kita guguluhin. Masaya naman na akong nakikita ka.”

Nang tumalikod na ang binata sa kanya hila ang bisikleta nito, sandali siyang natulos sa kinatatayuan

bago siya unti-unting napangiti. Brett really… followed her there. Nag-init ang kanyang mga mata.

Hindi kaila sa kanya kung gaano ka-dedicated ang binata sa pinamamahalaan nitong restaurants. His

business was his life, pero naroroon ito ngayon sa iisang lugar na kasama siya. He was with her all

these time. He sacrificed his time and the management of his beloved Buddies’ all in the name of what

he felt for her.

Something warmed touched her heart. Ang kanyang si Brett… heto at sumusubok uli sa pag-ibig. He

took a risk to be with her. He actually left his comfort zone and followed her to a place where he does

not know anyone. He was silently waiting for her without any assurance. He was wearing his heart on

his sleeves now but it did not seem to matter to him anymore.

“That must have taken a lot of courage, Brett.” Sa wakas ay sinabi ni Katerina. “Pero bakit ka

tumatalikod na lang basta? Heto na ako, o. Nasa harap mo, hindi mo lang ako basta nakikita, naririnig

at kinakausap ka pa. So, why would you walk out on me now?”

Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Brett bago humarap sa kanya. “Iyon nga ang ikinakatakot

ko, Kate. I’m scared that if I talk to you, I might want to do more. I’m scared that if I get to look at you

longer, I may never want to leave your side afterwards.” Napailing ito. “Because now that I get to see

you face-to-face, I know my heart would ask for more. Natatakot akong baka kapag nanatili pa ako rito

ng isang minuto pa, hindi na kita mapakawalan.”

Slowly and with all the love in her heart, she crossed the distance between them. “Ang dami mo naman

masyadong kinatatakutan. We could hurt each other again, Brett. Doon, hindi ka ba natatakot?”

“Nang minahal kita, marami akong natutunan.” Masuyong ngumiti ang binata. “Twenty years from now,

mas pagsisisihan kong hindi ako sumugal at nagmahal kaysa ang matalo ako at masaktan.”

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Katerina. She felt like seeing Brett again when she was

thirteen… the same glimpse of hope that she saw on that bridge was back in his eyes. Akala niya ay

hindi niya na iyon makikita pang muli.

Hindi na nakapagpigil na sinugod niya ito ng yakap. Nang maramdaman niya ang maagap na pagganti

ni Brett ng yakap ay napahagulgol siya. Sa yakap nito, muli siyang nakaramdam ng seguridad. Sa

yakap nito, muling nakalma ang puso niya na animo ipinaghehele nang mga oras na iyon. “Alam mo

bang pabalik na kami ni Daddy sa Pilipinas bukas? Dahil babalik na ako sa ’yo.”

“God, Kate or Eirene or the girl from the bridge.” Damang-dama niya ang malakas na pagkabog ng

dibdib ni Brett. “M-mahal mo pa rin ba ako?”

Sunud-sunod na napatango siya. “As long as my heart beats, Brett.” Hinaplos niya ang mga pisngi nito.

“I’ve travelled the world to find the peace only your arms can give.”

Nang bumitiw si Brett sa kanya, kitang-kita niya ang pagtulo ng luha nito na hindi na nito ikinubli pa. He From NôvelDrama.Org.

was unmasked, once more. “I’ve missed you so much. And I love you so much, babe.”

Nang hagkan siya nito sa mga labi, muling pumatak ang mga luha niya. Pakiramdam niya ay sasabog

siya sa saya. Nang pumaikot ang mga braso ni Brett sa kanyang baywang ay na-realize niyang hindi

niya na pala kailangang bumalik pa sa sariling bansa dahil nasa tabi niya na ang kanyang tahanan at

sa puso nito… siya mananahan.

WAKAS

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.