Chapter 9: Salary
Aleighn's POV
Medyo naging okay na si Ravi kinabukasan kaya mas napanatag na ako, papasok na ako ulit ako ngayon para mangatulong sa bahay ni Craige Aldomar na masama ang ugali. Maiiwan na ulit si Ravi sa pangangalaga ni aling Choleng dahil tapos na siya sa mga inaasikaso niya
Ayoko sanang makita ang amo ko kung hindi ko lang iniisip na malaki ang sahod ko sa pagiging katulong sa bahay niya, at ngayong araw nga ang nakatakdang pag suweldo ko sakanya Makakapag tabi na ako para sa pagpa patingin ni Ravi, makakabawas na ulit ako sa utang ko kay Raul na sigurado kong naka abang na sa akin sa labas ng bahay ni aling Choleng
"Magandang umaga Aleighn ko" nakangiting bati niya sa akin paglabas ko mg pintuan
Aleighn ko raw eh kung bigwasan ko kaya siya, makinis pa sa sikat ng araw ang ulo niya nakakairita tuloy na siya ang nasa harapan ko ngayon
Kung wala lang akong utang sakanya, baka na i shoot ko na siya sa kanal
"Magandang umaga Raul bukas nalang yung utang ko, mamaya palang ang sahod ko" untag ko sakanya sabay lakad na palabas ng iskwaters area ng hindi siya nililngon, akala ko ay hindi niya ako sinundan pero laging gulat ko ng makita na naglalakad rin siya sa bandang likuran ko
"Magbabayad ako bukas Raul wag ka mag alala" paninigurong sabi ko
"Alam ko Aleighn, tinitignan ko lang ang puwet mong umaalon alon habang naglalakad ka " manyak niyang sabi sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Raul, alam ko namang may gusto siya sa akin hindi dahil sa itsura ko, gusto niya ako dahil daw sa magandang hugis ng katawan ko na matagal na niyang pantasya
Hanggat maari ay umiiwas ako sakanya lalo na kapag hindi ko kasama si aling Choleng, dahil halata ko namang sa tingin niya palang ay hinu hubaran niya na ako at mukhang mali ako na umalis agad sa bahay ng matanda "Siguraduhin mong magbabayad ka sa akin bukas, dahil kung hindi alam mo ang kapalit Aleighn masyado na kitang pinag bigyan kaya tumupad ka sa usapan" untag niya sabay lakad na palayo sa akin
Hindi nalang ako kumibo sa sinabi at sa ginawa ni Raul, mukha kasing naka tira na naman siya kaya iba na naman ang trip sa buhay
Madaling maka biruan si Raul pero may taglay na kamanyakan, kaya nga lahat ng may utang sakanya ay nagbabayad ng tama sa oras dahil lagi siyang may banta na katawan ng kung sino man sa pamilyang babae ang kapalit kapag hindi tumupad sa araw ng pagbabayad, buti nalang hindi niya ginagawa ang mga banta niya. Matapang lang naman kasi siya sa salita
Kilalang adik si Raul sa lugar namin pero dahil nga siga siya at utangan ng bayan, walang nag a amok na patulan siya
Nang makarating ako sa mansion ay agad akong natungo sa kusina at ginawa ang mga usual na trabaho ng isang katulong
Nagluto at naghanda ako ng almusal ng amo kong mabait, alam kong nandito pa siya ngayon dahil bukod sa maaga pa para pumasok sa opisina niya ay nandito pa sa garahe niya ang sasakyan na madalas ginagamit Narinig ko ng may bumababa sa hagdanan kaya naman agad akong nag gawa ng kape niya
Pansin kong diretso lang siyang naupo sa pwestong lagi niyang inuupuan sa tuwing kakain Nakasuot na siya ng longsleeve pero wala pang necktie saka coat na suot
"Magandang umaga sir eto po ang kape niyo" bati ko sakanya sabay lapag ng kape
"Buti naisip mo ng pumasok ngayon madami ng alikabok ang bahay ko!" usal niya sabay higop sa kape
"Medyo okay na kasi yung anak ko sir" sagot ko sakanya saka naglakad papunta sa bandang gilid niya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ayoko sanang tumayo sa bandang likod niya gaya ng palagi niyang utos na dapat ay nasa likuran niya ako sa tuwing kakain siya dahil naalala ko yung sinabi niya kagabi sa akin sa bar, kaya lang amo ko nga pala siya sa mga oras na ito Agad din namang natapos kumain si sir Craige dahil hindi siya ganoon kalakas kumain, tumayo siya pagtapos kaya naman ni ligpit ko na ang kinainan niya
"Can you fix my tie, I'm busy talking to someone!" malakas na untag niya dito sa may kusina kaya naman tumigil ako sa paghuhugas at agad na lumapit sakanaya
Nakasabit na ang kurbata sa keeg niya pero hindi nga maayos dahil abala siyang makipag usap sa kung sino mang kausap niya sa telepono
Nag aalinlangan akong lumapit sakanya dahil hindi ako kumportable na masyadong malapit kami sa isat isa, kaya lang ay inuutusan niya nga pala akong gawin iyon Tumingin muna ulit ako sakanya bago tuluyang gawin ang utos niya
Damang dama ko ang init ng paghinga niya sa ulo ko, dahil nga matangkad siya ay hanggang ilalim lang ako ng baba niya kaya naman mas lalong amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niya na nanunuot sa ilong ko na ang sarap amoy amuyin
Malapit na akong matapos sa pag ayos ng kurbata niya ng magka tinginan kaming dalawa, at hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko, nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo lang pero para may kumirot agad sa dibdib ko, gayong natitigan ko ang mata niya ng malapitan
Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga gusto ang mga mata niyang kung titignan sa malapitan ay parang punong puno ng galit sa mundo
Natapos ko ang pag ayos ng kurbata niya habang nakatingin parin siya, kaya naman para mabaling sa iba ang tingin niya kinuha ko ang coat niyang hawak hawak saka ako nagpunta sa bandang likuran niya
Sumenyas ako sa kanya na tutulungan ko na ring maisuot niya, dahil busy pa siya sa kausap sa telepono
Natapos siya sa kausap niya saktong pinapag pagan ko ang bandang balikat ng coat na suot niya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Enough!" maikling usal niya
Wala man lang thank you nag susungit paNôvelDrama.Org holds © this.
"Sir pwede ko bang makuha na ang sweldo ko para sa buwan na ito?" tanong ko ng biglang maalala ang sahod ko
At dahil nga masungit si sir Craige ay tinignan niya muna ako ng masama habang naka pamulsa bago sumagot
"Come to my office doon mo kunin" walang emosyon niyang sabi
Office daw saan naman kaya? Sa mismong opisina sa kompanya niya?
"Saan po?"
"Come to my f*cking company ang get you're f*cking salary on my office!" galit niyang sagot
Sabi ko nga sa kompanya niya
Kailangan ba nagmumura kapag nagsasalita
Ugali talaga ng isang yon hindi maintindihan