In A Town We Both Call Home

Chapter 5



Chapter 5

“THERE are about seven billion people in the world. And yet here you are, crazy over one person who

will never ever see you the way you wanted to be seen.” Napu-frustrate na naibulong ni Lea. Wala sa

loob na naiuntog niya ang ulo sa manibela. “You are so stupid, Lea.” Halos kalahating oras na mula

nang maiparada niya ang kotse sa tapat ng gate ng apartment pero hindi niya pa rin nagagawang

bumaba roon para harapin ang naghihintay na kaibigan.

Ilang mararahas na paghinga pa ang pinakawalan niya bago siya tuluyang bumaba ng kotse at

tumuloy sa kanyang apartment. Naabutan niya sa sala si Jake. Nakaupo ito sa couch at nakapikit.

Mukhang nakatulugan na nito ang paghihintay sa kanya. Dahil sa espesyal na okasyon nang gabing

iyon ay matindi ang traffic. Inabot siya ng mahigit dalawang oras bago nakauwi. Napailing siya nang

mapansin ang ilang bote ng alak sa center table na lahat ay wala nang laman.

Maingat na naupo si Lea sa tabi ng binata at pinakatitigan ito. Bakas ang kapaguran sa gwapong

mukha nito. Alam niyang bago pa ito nagkita at si Lucine sa restaurant ay galing pa ito sa meeting

kasama ang isang investor. Iyon ang nakalagay sa maikling note na ipinadala nito sa kanya nang

umagang iyon na dahilan kung bakit hindi raw siya nito masasamahang manood ng sine gaya nang

ipinangako sa kanya noon pang nakaraang linggo. Kasama ng note na iyon ang isang life-sized teddy

bear. Pero mukhang maagang natapos ang meeting dahil nakipagkita pa ito kay Lucine.

“You always run to me at times like this.” Naibulong ni Lea mayamaya. Marahang pinadaanan niya ng

daliri ang mukha ni Jake mula sa noo nito, sa malalagong mga kilay, sa talukap ng asul na asul na mga

mata nito na madalas ay nakalulunod kung tumitig, sa perpektong ilong nito at sa mamula-mulang mga

labi nito. “And I’m overwhelmed, believe me. Masaya ako na ako ang gusto mong makita at makasama

sa mga ganitong sandali.”

Naalala ni Lea ang mga pagkakataong nagmamadali siyang mananakbo papunta kay Jake tuwing

malapit na ang death anniversary ng pamilya nito. Dahil bigla-bigla na lang itong naglalaho at

nagpupunta sa iba’t ibang lugar. Minsan ay sa ibang bansa pa ito nakakarating. Hindi na nito sinasabi

sa kanya kung saan. He would always say that he didn’t want to bother her anymore with his issues.

Pero nag-aalala pa rin siya. At sa palagay niya ay parati na siyang mag-aalala para rito. Dahil isa ang

pag-aalala sa maraming kakambal ng pagmamahal.

During those moments, Lea had to bribe Jake’s secretary just so she would know where to find him.

And once she knew where, like a fool, she would come running to him. Tatapusin niya ang trabaho at

magmamadaling mag-file ng leave para lang mapuntahan ito. Ganoon ang sistema nila sa nakalipas

na mga taon.

May mga pagkakataong siya ang takbuhan ni Jake. Pero may mga pagkakataon ring siya ang

tinatakbuhan nito at siya naman ang naghahanap rito. Napapagod ring isinandal ni Lea ang ulo sa

balikat ng binata. Nalanghap niya ang swabeng pabango nito na gustong-gusto niyang amuyin parati.

Sa kabila ng mga nainom nito ay nangibabaw pa rin iyon.

“Jake, I… I wish that one day, you will realize that I… I have issues, too. And that I also need someone

to run to. I also need you.”

Sa loob ng ilang minuto, pinagsawa ni Lea ang sarili sa ganoong posisyon nila ni Jake bago siya

tumayo. Marahang tinapik niya ang mga pisngi ng kaibigan para gisingin ito. Para namang

naalimpungatang dumilat ito at agad na ngumiti sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Malakas na

napatikhim siya para i-distract ang sarili sa ngiting iyon na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang

epekto sa kanya.

“Bangon ka na. Lipat ka na sa guest room para mas makapagpahinga ka nang maayos.”

Umungol lang si Jake bago siya inakbayan. Hirap man ay pilit niya pa ring inakay ang pasuray-suray

na binata. Nang makarating sa guest room ay hinihingal nang ibinagsak niya ito sa kama. Tagaktak

ang pawis na naupo siya sa tabi nito at inalis ang mga medyas nito. Nang bahagya nang makabawi ng

lakas ay iniwan niya ito sandali at pumunta sa banyo. Pagbalik roon ay may dala na siyang planggana

at bimpo.

Naupo si Lea sa tabi ni Jake para alisin ang long-sleeved polo nito. Muli niyang naramdaman ang

pamumuo ng butil-butil na pawis sa kanyang noo. Kung tutuusin ay hindi na bago sa kanya ang

pangyayaring iyon pero hindi pa rin siya sanay na ginagawa iyon.

Bahagyang nanginig ang mga kamay ni Lea na dahilan kung bakit lalo siyang natagalan sa simpleng

pag-alis sa ohales ng mga butones ng damit ni Jake. Nang tuluyan na iyong mahubad ay nalantad sa

kanya ang mga malalapad na dibdib ng binata at ang para bang nagmamalaking mga pandesal nito sa

tiyan. Napalunok siya.

Nagmamadaling pinunasan niya na ang mukha ni Jake pati na ang dibdib nito bago siya parang

sinisilihang tumayo na. Hinila niya ang kumot at itinakip iyon hanggang sa leeg ng binata. Patalikod na

sana siya nang bigla nitong abutin ang kamay niya. Nang humarap siya rito ay sumalubong sa kanya

ang namumungay na mga mata nito.

“Hello there, beautiful.” Namamaos pang sinabi nito.

Nangingiting napailing si Lea. Hindi na rin bago sa kanya ang salitang iyon. Sa tuwing nalalasing ang

binata ay saka lang para bang lumilinaw ang mga mata nito pagdating sa kanya. Kung ano-ano na ang

mga itinawag nito sa kanya. Minsan ay lovely, gorgeous, honey, sugar, sweetheart, o princess, the

things that she will never hear from him when he was sober. Pero panandalian lang iyon. Dahil

pagkatapos siya nitong tingnan na para bang siya si Catriona Gray ay bagsak na ito sa kama at dere-

deretso nang nakakatulog.

Nagbilang si Lea ng hanggang walong segundo sa isip. Hanggang ganoon lang kadalasan ang

itinatagal ni Jake sa ganoong estado. Pero nasorpresa siya nang lumampas na roon ay nanatili pa ring

nakatitig sa kanya ang binata.

Mayamaya ay bumangon na ito. Ang kamay nito ay unti-unting umakyat hanggang sa kanyang braso

papunta sa kanyang balikat. “Jake?”

“Hmm?” Sagot ng binata bago siya tuluyang hinila palapit rito. Gulat na nag-landing si Lea sa katawan

ng binata. Marahang natawa ito habang siya ay nananatiling nakatulala rito. In one swift movement, he

was suddenly on top of her. Bago pa man siya makapagsalita ay siniil na nito ng halik ang kanyang

mga labi. Nanlaki ang mga mata niya. That… was her first kiss.

Hindi kahit na kailan naranasan ni Jake ang maghabol sa isang babae. Girls had been all over him

ever since she could remember. He just had this certain charm that was just his. Napakahirap na nitong

tanggihan sa oras na masalubong mo na ang mga titig nito lalo na sa oras na maranasan mo ang halik

nito. Iyon ang napatunayan niya nang mga sandaling iyon. He was expertly kissing her. And for a while,

every single thing inside that room went blurry. And all she could see clearly was… him. Naghahalo

ang pait at tamis sa mga labi nito dahil sa nainom na alak.

Alam ni Lea na dapat ay ilayo niya na ang sarili kay Jake. Siya itong nasa katinuan sa kanilang dalawa

pero sa halip na itulak ito ay ipinaikot pa niya ang mga braso sa batok nito. Kahit sa sandali lang na

iyon, gusto niyang maranasan kung paano ang maging isang ganap na babae sa piling ng isang Jake

Calderon.

Nang magsimula nang maglakbay ang mga kamay ng binata sa katawan niya ay nagpaubaya pa rin

siya. Ipinikit niya ang mga mata at unti-unti ay tumugon sa bawat halik ng binata. It was crazy but it

was sweet. Everything that was happening that very moment was the craziest but the sweetest thing

that ever happened in her life.

Naramdaman ni Lea ang pagngiti ng binata sa pagitan ng paghalik sa kanya. Ginabayan siya nito sa

tamang paraan ng paghalik. And slowly, she had learned how to kiss the way he wanted to be kissed.

Narinig niya ang pag-ungol nito tanda ng nagustuhan nito ang ginawa niya.

Ilang ulit niya na bang pinangarap ang tagpong iyon? Hindi niya na mabilang. Pero hanggang halik

lang ang pinangarap niya. But she was experiencing more than that now. At habang-buhay niyang

itatago ang kabaliwang iyon sa puso niya, ang kabaliwang naghahatid sa kanya ng sobra-sobrang init

hindi lang sa puso niya kundi sa bawat bahagi ng katawan niya nang mga sandaling iyon.

Bahagyang inilayo ni Jake ang mukha sa kanya. Walang pagmamadali sa kilos na inalis nito ang mga

damit niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang apoy sa mga mata nito nang bumungad rito ang kahubdan

niya. Nahigit ni Lea ang hininga nang ito naman ang para bang nang-aakit na nag-alis ng damit at

pantalon nito. Basta na lang nito inihagis sa kung saan ang boxers at panloob nito.

Napalunok siya. He was… all the magnificent things she could think of. God… her best friend was

beautiful. He was perfect. Wala siyang maisip na eksaktong salita na maglalarawan sa kung gaano

kaganda ang nakikita niya.

Nang bumalik ang binata sa kama ay muli nitong inangkin ang mga labi niya. Naipikit niya ang mga

mata para lang maidilat rin ang mga iyon kaagad nang bigla ay maglaro sa isip niya ang mukha ni

Leandra. Itinulak niya si Jake. Natutop niya ang noo.

“I’m sorry.” Nag-iinit ang mga pisnging sinabi niya. “I’m sorry, Jake. This shouldn’t have happened.”

Mabilis na bumangon si Lea at dinampot ang mga damit niya. Nang matapos ay lalabas na sana siya

ng kwarto para sa sariling kwarto niya na lang magbihis nang muli ay pigilan siya ni Jake sa braso.

“Why?” Namamaos pa ring tanong nito. “No one had ever dared to walk away from me after I kiss

them. Didn’t you like my kisses, sweetheart?”

“I…” Sandaling nakagat ni Lea ang ibabang labi habang pinipilit na ituon lang sa mukha ni Jake ang

mga mata. The fire in her body was still there. And every inch of her was still dying to hold him, to make

him hers even for just that crazy and stupid night. Iyon na ang pagkakataon niya. If she will only let him,

she can be loved by him exactly the way she wanted to be. “Actually, I love them.”This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.

“Then I don’t see any problem.” Anang binata bago siya hinila palapit sa katawan nito at mapusok na

hinalikan. At nababaliw na nga siguro talaga siya dahil sa pagkakataong iyon ay hindi niya na ito

nagawang tanggihan. Nang ihiga siya nito sa kama ay pilit na itinaboy niya na ang lahat ng mga babala

sa kanyang isipan.

She was his. He was hers. That was all that mattered to her.

Kinabukasan ay nagising si Lea na wala na sa kanyang tabi si Jake. Kumabog ang dibdib niya sa

pinaghalong tensiyon at kaba. Nagmamadaling itinapis niya sa katawan niya ang kumot nang makitang

wala na ang mga damit roon ng binata. Kahit pa nananakit ang buong katawan lalo na ang

pinakasentro ng kanyang pagkababae ay pinilit niya pa ring tumayo at lumabas ng kwarto. Pero wala

na roon naiwang anumang bakas ni Jake. Ang naabutan niya na lang sa kusina ay ang inihain pa nito

roon noong nagdaang gabi. At gaya ng inaasahan niya ay ang mga paboritong pagkain nga iyon ni

Leandra.

Leandra na naman.

Leandra was her original best friend. Naging napakabuti nito sa kanya at alam niyang hindi dapat

sumama ang loob niya rito. Wala itong kinalaman sa mga nangyayari pero nang mga sandaling iyon ay

hindi niya napigilang makaramdam uli ng hapdi sa puso niya.

Sa sala siya sumunod na nagpunta. Wala na ang mga bote ng alak roon. Malinis na malinis na roon.

Nanghihinang naibagsak ni Lea ang sarili sa couch. Kilala niya na si Jake. Pero pagkatapos ng mga

nangyari sa pagitan nila ay hindi niya na sigurado pa ang bagay na iyon. And she would give

everything just to know what was going on in his mind right at that very moment. Nanlulumong naipikit

niya ang mga mata para lang mapadilat rin kaagad nang may maalala. Napaawang ang bibig niya

kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Dahil ngayon pa lang nagsisimulang luminaw ang takbo ng kanyang isip ay ngayon niya rin lang

naalala na wala silang ginamit na anumang proteksyon ni Jake noong nagdaang gabi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.