KABANATA 21
Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata, hindi niya akalain na buhay pa rin siya. Ngunit halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa gulat ng makita si Hyulle, nakaharap sa kanya at nakangiti. "A-ayos ka lang ba? P-Prinses-ssa...." at mabilis na bumagsak ang mukha nito sa kanyang balikat.
"HYULLE!" malakas nilang sambit sa pangalan ni Hyulle.
At si Althea naman ay mabilis na muling nahugot ang panuyal na ibinaon niya sa likod ni Hyulle. Hindi ito makapaniwala na si Hyulle ang nasaksak nito.
"Hyulle! Kamahalan! Gumising ka!" sambit ni Althea sa binata habang nakalapit na ito sa kanila.
"Diyan ka lang! Huwag kang lumapit sa amin!" malakas na sambit ni Polina nang may pagbabanta sa Werewolf na si Althea.
Niyakap niya si Hyulle, at mariin siyang pumikit upang makapag-consentrate upang muli niyang magamit ang kangyang kapangyarihang makapaglaho. At sa isang iglap ay nawala nga sila sa harap ni Althea.
Lumitaw sila sa loob mismo ng mahiwagang silid ni Hyulle. Bagamat natatakot siya ay maayos niyang binuhat si Hyulle, at maayos na naihiga. Hindi niya alam kung paano niya ito magagamot, basta ang alam niya ay may kailangan siyang gawin para matulungan ang binata na magkamalay muli.
Naalala niyang nakapagbibigay ng lakas ang kanyang dugo, kaya naman kumuha siya ng kutsilyo at h***wa ang kanyang pa**pul**han. May lumabas na kaunting dugo.
Mabilis na naghihilom ang sugat niya kung ordinaryong p*n*al lamang ang gagamitin, kaya naman paulit-ulit niya itong h*ni*a upang maibigay lamang ang kanyang dugo sa lalaking kanyang minamahal na nagbuwis ng buhay para sa kanya. "Pakiusap mabuhay ka! Huwag kang mamatay Hyulle! Natatakot na ako! Ayokong mawala ka sa akin, ayokong iwan mo ako ng ganito lang, please! Please gumising ka!" hiyaw pa niya habang paulit-ulit na h*ni*iwa ang kanyang pulso upang lumabas ang d*g* roon.
Nagising si Hyulle, at nasisilayan nang sinag ng araw ang kanyang mukha. Naalala niya ang mga naganap kagabi sa kanila ni Althea, at Polina. Muntik na siyang mamatay nang salagin niya ang mahiwagang punyal na inilaan para kay Polina.
At alam niyang kung nahuli siya ng dating ay tiyak na napaslang na ni Althea si Polina. Tumayo na siya at maayos niyang inihiga si Polina na nagisnan niyang nakayukyok lamang sa gilid ng kama at nakasalampak sa sahig. Kaya maayos niya itong inihiga sa kama.
Nakita niya ang maliit na kutsilyo na ginamit ni Polina upang pauilt-ulit na hiwain ang sariling pulso, masalinan lamang siya nito ng dugo, at tunay ngang nanauli ang lakas niya, ngayon ay alam na niyang maibabalik ng dugo ni Polina ang anumang lakas niya na nawawala, kaya nga lang ay kinakailangang paulit-ulit itong masaktan, upang magawa iyon.
Nakikita niya ang mga nangyari kagabi nang hawakan niya ang kamay nito. Tila isang pelikulang lumarawan sa kanya ang mga nagdaang pangyayari sa pamamagitan ng kanyang third eye na may kakayahang makita ang nakaran. "Polina huwag mo nang uulitin pa ito!" mariing sambit ni Hyulle sa kanyang isipan habang nakatitig ng may pag-aalala sa kanyang minamahal na babae.
Linisan ni Hyulle si Polina, at nagbalik siya sa mahiwagang demensiyon, ang kakahuyang napuntahan ni Polina, kung saan siya sinundan ni Althea at Hyulle.
"Althea!" malakas na sigaw ni Hyulle nang makarating na siya sa lugar na iyon. "Lumabas ka! Huwag kang magtago! Naaamoy kita!"
"Narito lang naman ako, alam kong darating ka ngayon, alam kong pinagaling ka niya."
"Bakit mo ko trinaydor?" malungkot ang mga mata ni Hyulle, na tanong sa dalaga.
"Iyong misyong iniatang sa akin, akala mo ba, pinalaki lang akong kasabay mo nawalang dahilan? Ginawa nila iyon, sakaling hindi mo gampanan ang tungkulin mong paslangin ang Huling Prinsesa ng mga putting Lobo!" "Hindi ibig sabihin na hindi ko na kayang gawin ay may karapatan na kayong gawin! Patuloy ko siyang ipagtatanggol!" determinadong sambit ni Hyulle dahil alam niyang naroon ang mga elder, nag-ilawan ang mga mata ng mga ito, at nagpakita sa anyong Lobo.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Hyulle! Ang tigas ng ulo mo! Hindi mo ba alam na ibayong lakas ang mapapasaatin kapag pinatay mo na siya!"
"Makinig kana sana sa amin kamahalan!" sigaw ni Althea, sabay luhod sa kanya.
"Bilang isang Prinsipe ng mga itim na Lobo! At susunod nang maghahari sa ating angkan sumunod kana, upang maging malakas na ang mga itim na Lobo, maging ang mga natitirang mga puting mga Lobo ay umanib na sa atin, tutal ay iilan na lang rin naman sila."
"Sinabi ko nang hindi ko aakuin ang maging tagapagmana! Umalis na kayong lahat, kapag pinaslang niyo siya para niyo na rin akong pinatay!"
"Ngunit may paraan na upang mabuhay ka, sa sandaling mapaslang mo siya, inumin mong lahat ang kanyang dugo, at hindi ka na manghihina kahit na kailan, tataglayin mo na ang kapanyarihan at mabubuhay kang habang panahon, tulad ng ating diyos!"
"Tama na! Masyado na ang pagiging ganid niyo sa kapangyarihan! Ayaw niyo nang mamatay, napakahaba na, ng ating buhay, kahit ilang libong taon ay nagagawa nating mabuhay, ano pang nais niyo?" tanong ni Hyulle sa mga Elder nila. "Ang walang hanggang buhay! Ang hindi na mamatay! At iyon ang maidudulot ng kanyang dugo!"
"Magsabi kayo ng totoo! Bakit si Polina? Alam kong alam niyo kung bakit?"mariin niyang tanong sa mga ito.
"Dahil siya lang ang nag-iisang Werewolf na may lahing diyos! Isang isang diyosa ang kanyang ina! At iyan ay hindi niya nalalaman, kaya namatay si Haring Lenon, nang isinilang ang kanyang anak dahil sa ginawa niyang pag lapastangan sa babaeng anak ng bathala ng asul na buwan, kaya hindi na kami nagtataka kung bakit ikaw ang ginawang mate niya, upang hindi mo magawang paslangin ang kanyang anak."
Nanlaki ang mga mata ni Hyulle, sa mga sinabi ng mga elder, napalunok siya ng sarili niyang laway, hindi niya ngayon alam kung ano ang dapat niyang gawin sa mga nalaman niya. Kung ganoon malaki rin ba ang posibilidad na mamatay siya, kung magpapatuloy na mamahalin niya si polina? Kagaya ng nangyari kay Haring Lenon? Ang pinuno ng mga putting Lobo.
"Kaya kung ako sa iyo, ituloy mo ang pagpatay sa kanya, at tayong lahat ay magkakamit ng buhay na walang hanggan, at magagawa na rin nating pagharian maging ang mundong ito!"novelbin
"Hindi, hindi ako papayag, mahal na mahal ni Polina ang mga tao, ayaw niyang mapahamak ang mga ito, marami nang mga werewolf na nanalakay rito, at nanakit, hindi ko mapapayagan ang ganon," mariin niyang tanggi sa mga kalahi. "Hangal! Isang malaking kahangalan ang iyong sinasabi Hyulle!" sambit ng kanilang reyna. Lumitaw ito roon. Ang babaeng wolf na ito ang kanyang ina.
"Ina," nasambit niya.
"Hindi ba inutusan kita ng misyong iyan! Ang ating lahi ang dapat mong unahin, hindi magtatagal at lilisanin mo ang mundong ito dahil uupo ka sa aking trono!" "Ayoko, ibigay mo na lamang sa ibang mga anak mo ang trono, dito lang ako sa mundong ito." Tumalikod si Hyulle at nawalang parang bula sa harapan nila. "Pangahas! Paslangin na niyo siya!"
"Huwag! Kamahalan! Ako na ang bahala kay Polina, huwag niyong gawan ng masama ang prinsipe, huwag ---" Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Althea.
"Isa ka pa! Hindi magawang paslangin si Polina, mahina ka, mas mahina ka kaysa sa inaakala ko, akala ko panaman ay matutulungan mo si Hyulle na mapatay ang babaeng iyon!" sambit pa ng reyna nila.