Chapter 2
Chapter 2
"YOU WANT an indefinite leave. Why?"
"Because I'm going crazy." Marahas na napabuntong-hininga si Calix habang patuloy sa
pakikipagtagisan ng tingin sa kanyang ama na kalmante lang na nakaupo sa swivel chair habang halos
sumabog na ang kanyang dibdib sa pagpipigil ng emosyon.
"Kahit kailan, hindi n'yo ako naringgan ng reklamo, Dad. Hindi pa ako humiling ng bakasyon mula nang
magtrabaho ako rito. I've tried to fill in Clarence's position for the past years. I've worked my ass off so
damn hard. And annulment papers were all I got in return."
Tumaas-baba ang dibdib sa galit at hinanakit na naupo si Calix sa bakanteng silya sa tapat ng mesa
ng ama. Napahawak siya sa noo. Hindi na siya nag-alangan pa sa mga binitiwang salita tutal naman
kahit kailan ay hindi naging mabuting anak ang tingin nito sa kanya. Kaya wala nang saysay pa para
itago niya ang tunay na nararamdaman.
Calix was never perfect unlike his only brother Clarence. Dumi lang siya kung ikokompara sa walang
bahid na image na iniwan ng kuya niya. Si Clarence ang orihinal na vice president ng Ledesma
Commercial Banking Corporation na itinatag mismo ng kanilang ama na nananatiling president. Ang
mga kamag-anak nila na may forty percent shares sa kompanya ang bumubuo ng mga board member.
Lahat ng mga ito ay pare-parehong malaki ang inaasahan kay Clarence na limang taon ang tanda kay
Calix. Pero namatay ito nang mag-crash ang eroplanong sinasakyan noong pauwi na mula sa
pinuntahang seminar sa Vancouver. His father's world went upside down after the accident that took his
favorite son's life.
Mula noon, araw-gabi ay wala siyang ibang narinig sa mga labi ng ama kundi ang patutsadang sana ay
siya na lang ang naaksidente at namatay. Calix had to endure all those things. Lalo na at wala na ang
kuya niya para pumigil sa kanila ng ama sa madalas na pagbabangayan.
Clarence was a wonderful brother to him. Ito ang naging kakampi niya mula nang mamatay ang
kanilang ina sa komplikasyon sa sakit na diabetes noong trese anyos siya. Kaya hindi niya man
ipinapakita ay ipinagluluksa niya rin ang kamatayan ng kapatid.
Noong mga panahong iyon ay meron na ring sariling negosyo si Calix. Katuwang niya ang kaibigan
mula pa noong kolehiyo na si Edrick. Nagbebenta sila ng mga motor na inaangkat nila mula pa sa
ibang bansa. Ginamit niya bilang capital ang perang ipinamana sa kanya ng ina. Pero tuluyan niya
nang ibinenta sa kaibigan ang share niya sa negosyo nang magsimula siyang magtrabaho sa
kompanya ng kanyang ama.
Noong mga panahong iyon, kahit na kakakasal lang ay para bang sinaniban si Calix ng kung ano.
Napuno na siya sa mga naririnig sa ama pagkatapos nitong atakihin sa puso nang hindi makayanan
ang depression sa pagkawala ni Clarence. Gusto niyang patunayan na kaya rin niya. Sawang-sawa na
kasi siya sa mababang pagtingin na ama sa kanya. Nang sabihin niya na magtatrabaho siya sa
kanilang kompanya ay hinamon pa siya nito pagkatapos siyang harap-harapang pagtawanan nang
bisitahin niya sa ospital halos limang taon na ang nakararaan.
"Mayabang ka. Akala mo ba por que nawala na ang kapatid mo ay ikaw na ang pwedeng pumalit sa
pagharap sa bigat ng trabaho niya sa kompanya? Ni wala ka nga sa kalingkingan ng kuya mo."
"Give me a chance," mapagkumbabang sagot ni Calix. "I'll do better this time, Dad."
Muling natawa si Arthur. "Fine. Come to the office tomorrow morning. Ikaw ang pumalit sa posisyong
binakante ni Clarence. Let's go see where this foolishness will bring you."
Hindi nakaimik si Calix noon. Limang araw pa lang matapos ang kasal nila ni Chryzelle. But he
accepted the challenge. Walang nagawa ang board members nang ideklara ng kanyang ama na siya
ang papalit sa iniwang posisyon ng kuya niya. Dahil hindi kumbinsido ang board members ay binigyan
siya ng mga ito ng anim na buwan para patunayan ang kanyang sarili.
Bukod sa ama, gusto din ni Calix na ipagmalaki siya ni Chryzelle. Nakatapos rin naman siya ng
Business Management pero wala siyang anumang award na nakuha, hindi tulad ni Clarence.
Noong bata pa siya ay sinubukan niya ring magseryoso sa pag-aaral. Sinubukan din niya noong
maging mabuting anak. Pero parati siyang second best lang sa mga mata ng ama. Salutatorian siya
nang magtapos ng elementary. And that was never enough for his high and mighty father. Parati siya
nitong ikinokompara sa kuya niya dahilan para magrebelde siya.
Kasabay niyon ay pumanaw pa ang kanya ina na tanging nagpakita ng totoong pang-unawa at
pagmamahal sa kanya, hindi tulad ng ama. Lalo siyang naligaw ng landas.
Nagbulakbol si Calix. Palaging ipinatatawag ang kanyang ama noon sa guidance office pero wala na
siyang pakialam. That was the start of the word war between them. Mula noon ay hindi na siya
nagseryoso pa sa pag-aaral. Lumayo siya sa image ng kapatid. Pero sa awa ng Diyos ay nagawa niya
pa ring makatapos sa kolehiyo. Hindi siya nagtrabaho sa ilalim ng pamamalakad ng ama para hindi
siya mapag-initan nito.
Only to come and work in the company when he was twenty-six, five years ago. Ginawa ni Calix ang
lahat para hindi mapahiya. Hindi siya nagpahinga sa nakalipas na mga taon. At nagbunga ang lahat ng
pagsisikap niya. Unti-unti niyang nakuha ang loob ng board members, dahil nagawa niyang pantayan
ang ginawa ni Clarence. Lalo pang lumago ang kanilang korporasyon. Pero kasabay niyon ay
bumagsak naman ang relasyon nila ng asawa.
Regrets filled his heart. Kung kailan naisaayos niya na ang lahat sa kompanya, pati na ang bakasyon
nila ng asawa na nakatakda sa araw na iyon papuntang Japan na isang bwan ang dapat na itatagal,
saka pa nawala si Chryzelle sa kanya.
Naniniwala si Calix na sapat na ang mga napatunayan niya. Ngayon ay panahon na para bigyan niya
naman ng atensyon ang asawa. He would take her back. If he had to move mountains to win her heart
again, he would. Dahil si Chryzelle ang nasa likod ng kanyang mga narating. Ang kaalamang nasa tabi
niya lang ito ang kumakalma sa kanyang kalooban sa bawat panahong gusto niyang sumuko sa bigat
ng trabahong pinasan.
"Naayos ko na ang lahat ng transactions. Kung sakaling magkaroon ng problema, you can call my
secretary and she will inform me about it." Tumayo na si Calix. "Right now, I just need to get my wife
back. Dahil kung hindi, baka mapasunod ako nang wala sa oras kina Kuya."
Nabigla ang kanyang ama, pero hindi niya na iyon pinansin. Nagmamadaling umalis na siya ng opisina
nito.
"LET YOUR EMOTIONS come out, Chryzelle. 'Wag mong kimkimin. Makikinig ako."
Mula sa paglilista ng mga order ay nagdududang tinitigan ni Chryzelle si Aiden. Kababata niya ito. Dati
niyang kapitbahay ang binata noong nasa Cavite sila at pareho pa silang single ng kanyang ate.
Malapit si Aiden sa kanyang pamilya. Kailan lang niya uli nakita ang binata dahil nagpunta ito sa Los
Angeles matapos ang kasal niya. Isa nang psychiatrist si Aiden ngayon, pero nakapagtatakang single
pa rin.
"Umamin ka nga sa akin. Hindi talaga ang pagpapagawa ng cake at brownies ang sadya mo rito, ano?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Chryzelle. Noong nakaraang linggo pa nabanggit sa kanya ng ate niya
na dumating na nga raw sa bansa si Aiden. Binisita ng ate niya ang kanilang mga magulang sa Cavite,
samantalang bumalik naman sa dating bahay nito si Aiden na katabi ng bahay ng mga magulang niya
kaya nang magkita ang dalawa ay nagkaroon ng pagkakataon na makapagkwentuhan.
Inamin kay Chryzelle ni Celeste na nabanggit nito kay Aiden ang sitwasyon niya, pati na ang nangyari
sa anak niya. Ilang araw na siyang kinukulit ng kapatid na lumapit kay Aiden para matulungan raw siya
sa pinagdaraanan niya.
Napailing si Chryzelle sa naisip. Nothing could really help her heal and recover aside from time. "Hindi
ko kailangan ng psychiatric help, Aiden. Hindi pa ako tuluyang nawawala sa sarili. Salamat na lang."
"Alam ko naman 'yon," mabilis na sagot ni Aiden. "But I'm offering my services for free."
Pinaningkitan niya ng mga mata ang kababata. Natatawa namang nagtaas ito ng mga kamay tanda ng
pagsuko.
"I'm just kidding. But in case you need my help or an ear to listen to you, I already gave you my
number. You can just call me."
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong sumagot si Chryzelle nang makarinig sila ng tatlong
magkakasunod na katok sa pinto ng kanyang opisina. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at bumungad
si Grace, ang manager na ini-assign niya sa branch na iyon. Meron siyang walong branch ng
Chryzelle's sa buong Metro Manila. Sa umpisa ay simpleng bakeshop iyon na itinatag ng kanyang ina
at ipinangalan sa kanya dahil ang araw ng kapanganakan niya ang araw ng pagtatayo rin ng
bakeshop. Dahil likas rin na mahilig sa pagbi-bake ay siya ang nagmana niyon pagka-graduate sa
kolehiyo sa kursong Culinary Arts. Dinagdagan na lang niya ang kanilang mga paninda.
Naglagay siya sa Chryzelle's ng iba pang putahe na maaring pagpilian ng mga customers bukod sa
iba't ibang klase ng tinapay. Nagsisilbi na rin sila ng agahan, tanghalian, at hapunan. Pumatok iyon sa
masa kaya lakas-loob na nagtayo siya ng iba pang branch. Walang hilig doon ang ate niya na isang
engineer tulad ng kanyang ama.
Nagkataon lang na noong panahong iyon ay doon na muna si Chryzelle sa branch niyon sa Fairview
dahil doon malapit ang bahay ng ate niya. Mabuti na lang at siniguro niyang meron siyang maliit na
opisina sa bawat branch para meron siyang mapaglalagian kung sakali.
"Mrs. Ledesma, naririto po si Sir Calix. Gusto niya raw po kayong makausap-"
Bago pa matapos sa pagsasalita si Grace ay pumasok na sa loob si Calix. Kaagad na nawala ang ngiti
nito nang makita si Aiden sa loob ng opisina.
Lumapit kay Chryzelle ang bagong dating, pagkatapos ay para bang possessive na asawang hinalikan
siya sa mga labi at inakbayan.
"Mabuti na lang at nakulitan sa akin ang ate mo. Inamin niya sa akin kung nasaan ka. Anyway, good
morning, baby. I've missed you today."
Nagtitimping inalis ni Chryzelle ang braso ni Calix sa kanyang balikat. Nagpaalam na si Grace at
tatalikod na sana nang tawagin niya ito.
"It's 'Miss Aragon' from now on, Grace. Get used to it. Malapit na naming ayusin ang annulment papers
namin ni Calix."
"No," mabilis na pakikialam ni Calix. "It's still Mrs. Ledesma, Grace. I'm not going to sign the papers.
You can go now. Thank you."
Marahas na napabuga ng hangin si Chryzelle at pilit na sinenyasan na lang si Grace na umalis muna,
sunod ay napasulyap siya kay Aiden. Para namang nakakaunawang tumango ang binata.
"Iti-text ko na lang ang iba ko pang orders. Tutal ay sa Saturday pa naman ang birthday ng pamangkin
ko. I better go now, Mr. Ledesma," Sandaling nakipagtagisan ng tingin si Aiden kay Calix na ibinalik
ang kamay sa balikat ni Chryzelle. "And Ms. Aragon. Good day to the both of you."
Ilang beses na ring nagkita noon sina Aiden at Calix bago pa sila ikasal kaya magkakilala na ang mga
ito pero hindi kahit kailan naging malapit sa isa't-isa.
Tumalikod na si Aiden at lumapit sa pinto.
"Nakakalalaki ka, pare. Kasasabi ko lang, it's still Mrs. Ledesma. Chryzelle and I are still married."
Mariing pahabol ni Calix. "At hinding-hindi ko siya pakakawalan. Chryzelle is mine-"
"With all due respect, Mr. Ledesma, pero sa tingin ko ay sa mata ng batas mo na lang siya pag-aari.
Her heart was no longer yours the moment she thought about your annulment." Nilingon siya ni Aiden.
"Again, good day."
Dere-deretso nang umalis si Aiden ng opisina. Nang makalabas na ito ay inalis uli ni Chryzelle ang
braso ni Calix sa kanyang balikat. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa ikinilos ng dalawang lalaki.
"Stop this, Calix. Hindi ka na dapat pumunta pa rito. Sinabi ko naman na sa 'yo, sa secretary mo na
lang ipadala ang annulment papers."
Marahas na napahinga si Calix, pagkatapos ay naupo sa binakanteng silya ni Aiden. "Hindi 'yon ang
ipinunta ko rito. I came here to bring back your ring." Mula sa bulsa ng pantalon ay kinuha nito ang
wedding ring na sadyang iniwan niya sa kanilang bahay. "Seryoso ako sa sinabi ko, Chryzelle. I'm not
going to sign the papers."
Napapagod na pinakatitigan ni Chryzelle si Calix. Muling bumalik sa isip niya ang panahong tanging
ang ate niya lang at si manang Soledad na mayordoma sa bahay ang nakasama niya sa ospital noong Exclusive © content by N(ô)ve/l/Drama.Org.
makunan siya. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay bumalik ang sakit sa kanyang buong sistema.
Noong mga panahong iyon ay hindi niya rin ipinaalam sa mga magulang ang pinagdaanan. Ayaw
niyang kwestyunin din siya ng mga ito tungkol sa kanyang asawa.
Hindi alam ni Chryzelle kung paano ipaliliwanag na iba ang kasama niya sa ospital nang mangyari
iyon. Ni hindi alam ng mga magulang na gusto niya nang makipaghiwalay kay Calix. All along, they
thought she was happily married. Inilihim niya ang paghihirap niya para hindi na mag-alala pa ang mga
ito.
"Seryoso rin ako, Calix. Gusto ko nang makawala sa 'yo." Tumayo siya pagkatapos ay lumapit sa pinto
at binuksan nang maluwag. "Bumalik ka na lang kapag dala mo na ang annulment papers, kapag
napirmahan mo na. Sa ngayon, makakaalis ka na."
Nakikiusap ang anyo na lumapit sa kanya si Calix at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Please...
Chryzelle, isalba natin 'to. Don't make me let go when I want to hold on."
Naghihirap ang loob na napabuntong-hininga si Chryzelle. "Wala nang kailangang isalba, Calix. Our
marriage failed. Tanggapin na natin 'yon. Don't make me feel bitter than I already am."